Term
Mga Hakbang sa Kagalingan sa Paggawa |
|
Definition
|
|
Term
Kagalingan sa Paggawa
Ang kagalingan sa paggawa ay bunga ng pagmamahal at pagpapahalaga sa isang gawain. Ito ay pagbibigay ng dagdag na pagsusumikap at naglalayong hindi lamang basta makatapos bagkus ay makamit ang pinakamagandang kalalabasan o bunga ng isang gawa. Ang kasanayan at pagkatuto hinggil sa isang gawain ay mahalaga upang matiyak na ang kahusayan ay nakapaloob sa gagawing kilos o produkto. |
|
Definition
|
|
Term
Mga Hakbang O Paraan Upang Makamit ang Kagalingan sa Paggawa |
|
Definition
|
|
Term
1. Gumawa ng may pagmamahal
ang bawat kilos na iyong gagawin ay nararapat tiyakin na tama at angkop sapagkat ang paggawa ng may pagmamahal ay nagbubunga ng isang magandang produkto. |
|
Definition
|
|
Term
2. Magtakda ng mga makatotohanang layunin
sa isang gawain, mahalagang sinisimulan natin ito sa pamamagitan ng pagbuo ng isang layunin. Sinisigurado na ang layuning ito ay kayang maabot o magawa upang hindi ito magdulot ng pagka-dismaya. |
|
Definition
|
|
Term
3. Panatilihin ang pagtuon sa ginagawa
masakit ang mga katagang, "sa una lamang magaling", kaya upang maiwasan ito ay kailangang tuloy-tuloy ang paggawa hanggang sa matapos na ang binubuong produkto. Iisa lamang ang tuon at hindi pabaling-baling sa iba. |
|
Definition
|
|
Term
4. Parating magpakumbaba
laging isasaisip na gaano man kaganda o kahusay ang kalidad ng iyong ginagawa ay parati pa ring magpakumbaba at hindi magmamalaki dahil sa mga papuri na tinatanggap.
|
|
Definition
|
|
Term
5. Maging bukas sa pagbabago
walang permanente sa mundo, lahat ay maaaring magbago kaya mahalagang alamin mo ang panahon at kung ano ang sinasabi nitong dapat mong magawang produkto.
|
|
Definition
|
|
Term
6. Maging tapat sa anumang panahon
mula sa sikat na kasabihan, "honesty is the best policy", sapagkat ang taong tapat ay parating mapagkakatiwalaan at ang taong sinungaling ay maaaring maubos ang mga taong naniniwala at nagtitiwala sa kanya. Dito magsisimula ang iyong pagtitiwala sa sarili at pagtitiwala ng ibang tao. |
|
Definition
|
|
Term
7. Magsanay nang madalas
sa kahit na anong kalagayan at sitwasyon, mahalagang sinasanay pa rin ang sarili upang mas lalo pang mapabuti ang paggawa at sa gayon din ay hindi nalilimutan ang mga hakbang na iyong ginagawa. |
|
Definition
|
|
Term
8. Hamunin ang iyong sarili na mas higit pa
hindi kinakailangang ikumpara ang sarili sa iba dahil ito ay hindi nagdudulot ng maganda. Sapat nang sa tumingin sa sarili, pahalagahan ang kakayahan, at sikapin na mas lalong galingan pa. |
|
Definition
|
|
Term
9. Tanggapin ang iyong mga pagkakamali
maaaring ang bawat hakbang na nauna ay naisagawa mo na, hindi maaalis ang katotohanang ikaw ay tao pa rin at hindi perperpekto. Dumarating ang tao sa punto ng pagkakamali at kailangan itong tanggapin at tiyakin na sa sunod na paggawa ay mas lalo pang pagbubutihin. Ang mga pagkakamali sa nakaraan ay maaaring gamiting aral upang maiwasan ang mga ito para sa mga susunod pang gawain. |
|
Definition
|
|
Term
"Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao."
- Colosas 3:23 |
|
Definition
|
|